Sa pagdagsa ng mga pasyente OSPITAL, PASILIDAD SA MAYNILA MAPUPUNO NA

NANGANGAMBA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa paglobo ng mga COVID-19 patient dahil malapit na umanong mapuno ang mga city hospital at ang 12 quarantine facilities sa lungsod.

Kasabay nito, nanawagan ang alkalde sa mga Manilenyo na seryosohin ang ‘three Ws’ na ang ibig sabihin ay “wear your face masks, wash your hands and watch your distance”.

Kinakailangan umano na sanayin na ng mga taga-lungsod o ilagay sa mind set ang ‘three Ws’ upang makaiwas sa COVID-19.

Ayon pa kay  Moreno, may 6 ospital sa Maynila at 12 quarantine facilities na may bed capacity na halos aabot sa 600.

Samantala, dismayado ang alkalde kung paano inorganisa ang mga locally-stranded individual na nagtungo sa Rizal Stadium sa Malate kamakailan.

Ito ay matapos na 48 sa mga ito ang nakumpirmang positibo sa COVID-19.

“Maganda ang prinsipyo.. ang konsepto. Taas-kamay ako but it was not done according to the set of rules na sinusundan ng lahat ng lokal na pamahalaan. It is quite unfair for receiving provinces to send someone there who is infected. Di kami pwede manahimik. They (concerned authorities) mended their ways and promised na di na mauulit ang ganung bulusok,” pahayag pa ni Moreno.
(RENE CRISOSTOMO)

133

Related posts

Leave a Comment