Sa paghagupit ng storm surge – solon P28-M MANILA BAY ‘WHITE SAND’ MALULUSAW LANG

LALAMUNIN lang ng storm surge kapag nagkaroon ng malakas na bagyo ang P28 million na white sand project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay.

Ito ang nanghihinayang na pahayag ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza dahil inilarawan nito ang proyekto na “useless” at pagsasayang lang sa pera ng bayan.

“A complete waste of public funds on a worthless project,” ayon sa dating Secretary ng DENR kung saan idinagdag nito na “The white sand being dumped there is just a storm surge away from getting washed out”.

Ngayong ‘Ber months’ ang panahon ng malalakas na bagyo kaya kapag may dumating aniya na isang malakas na magdudulot ng storm suge ay maglalaho ang puting buhangin na itatapal sa may 500 metrong bahagi ng Manila Bay.

Unang napaulat na P389 million ang halaga ng proyekto subalit nilinaw ng DERN na P28 million lamang umano ang gagamitin sa nasabing halaga para sa dolomite projects.

Subalit ayon kay Atienza, malaking halaga pa rin ito na posibleng lamunin ng storm surge dahil karaniwang umaapaw ang tubig sa Manila Bay kapag nagkaroon ng malakas na bagyo.

Bukod dito, walang silbi umano ang pagpapaganda sa Manila Bay hangga’t marumi ang tubig na pinakakawalan ng mga water concessionaire sa nasabing karagatan.

“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform,” ani Atienza.

Ayon sa mambabatas, wala pa ring sapat na water treatment facilities ang Manila Water at Maynilad kaya diretso ang dumi ng mga tao sa Manila Bay.

“Anybody who swims in the bay’s heavily contaminated waters risks exposure to waterborne pathogenic diseases, including viral and bacterial gastroenteritis, hepatitis A, dysentery, typhoid fever and all sorts of infections,” babala pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

162

Related posts

Leave a Comment