Sa pagkamatay ng mag-asawa sa ‘Bloody Sunday’ raid 17 PNP OFFICERS, PERSONNEL KINASUHAN NG MURDER

SINAMPAHAN na ng kasong murder ang 17 opisyal at personnel ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Region lV-A) na iniuugnay sa pagpatay sa mag-asawa sa tinaguriang “bloody sunday” raid sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), ang 17 operatiba ng CIDG Region lV-A ay nagsilbi ng arrest warrant sa mag-asawang Ariel at Ana Mariz Evangelista na napatay noong Marso 7, 2021 sa nasabing lalawigan.

Iniimbestigahan din ang mga nasabing pulis sa pagkamatay ni Emmanuel “Manny” Asuncion, local coordinator ng BAYAN Cavite Chapter, na napatay sa Dasmariñas, Cavite noon ding nasabing petsa.

Bukod sa mga ito, napatay rin sina Melvin Dagsinao at Mark “Macmac” Bacasno na kapwa miyembro ng SIKKAD K3 Urban poor Advocacy Group matapos pagbabarilin sa kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal

Dahil dito, inatasan ng Special Investigation Team ng NBI ang pamilya ng mga ito na magsampa rin ng reklamo.
Ayon sa DOJ, ang hakbang ng NBI ay patunay lamang na walang sasantuhin sa mga nagmamalabis sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas. (RENE CRISOSTOMO)

181

Related posts

Leave a Comment