Sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam TRABAHO NG NIA PLANONG ILIPAT SA NDRRMC

TINATALAKAY na ang mungkahing ilipat ang responsibilidad ng pagpapakawala ng tubig sa mga dam sa National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) mula sa National Irrigation Administration (NIA)

Nakabatid na nakikipag-ugnayan na ang NIA sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang rebisahin ang kasalukuyang sistema na pinaiiral hinggil sa pagpapakawala ng tubig sa dam lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Nabatid na nitong nakalipas na linggo ay sinimulan na ng NIA na makipag-ugnayan sa NDRRMC, Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA),

Department of Local Government (DILG), Office of Civil Defense (OCD), at National Water Resources Board (NWRB) upang rebisahin ang “existing protocol on water discharges” mula sa mga dam.

Kabilang sa mga dumalo sa initial talk ang NIA-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) officials sa pangunguna ni Manager Wilfredo C. Gloria.

Samantala, rerebisahin din ng NDRRMC ang kanilang technical capability at manpower kaugnay sa panukalang paglilipat sa kanilang tanggapan ng awtoridad sa “gate opening and water releases”.

Ayon kay NIA Administrator Ricardo R. Visaya, titiyakin niya na kasama ang iba pang concerned government agencies sa pagtalakay sa pagrerebisa sa existing protocol on dam discharges at bubusisiin din ang posibilidad na paglilipat ng authority of water releases sa NDRRMC. (JESSE KABEL)

380

Related posts

Leave a Comment