Sa pagpasok sa NCR establishments BOOSTER CARDS IOOBLIGA NA RIN

IMINUNGKAHI ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na i-require sa mga customer ang pagpapakita ng COVID-19 booster vaccination cards sa pagpasok sa mga establisimyento sa Kalakhang Maynila.

Ang katuwiran ni Concepcion, maaari na itong gawin sa National Capital Region lalo pa’t mayroon itong high vaccination rate.

Ginagawa na rin aniya ito sa Estados Unidos kung saan ang mga customer ay pinipilit na magpakita ng kanilang primary vaccination at booster cards.

“We should now enforce that this booster cards be shown,” ayon kay Concepcion sa Kapihan sa Manila Bay forum. “You have to bring your vaccination card and your booster card,” dagdag pa niya.

Tinatayang may 9.58 milyong indibidwal sa Kalakhang Maynila ang fully vaccinated. Gayunpaman, may 2.46 milyong booster doses pa lamang ang naibibigay.

Habang may kabuuang 7.57 milyong booster doses ang naibigay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi naman ni Presidential adviser for COVID-19 response Vince Dizon na binibigyang diin ng pamahalaan sa pagsisikap nito na itaas ang bilang ng booster shot para sa “added wall of immunity.”

Layon ng pamahalaan na makapagbigay ng 72.16 milyong booster doses, kabilang na ang mga menor de edad na 12-17, sa pagtatapos ng second quarter ng 2022.
(CHRISTIAN DALE)

128

Related posts

Leave a Comment