Sa pagsirit ng COVID-19 PALASYO: WAG MAG-PANIC

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-panic sa pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa ulat, may 3,000 na bagong COVID-19 cases ang naitala kada araw sa nakalipas na apat na araw.

“Hindi pa rin ako nagpa-panic, kasi iyong ginawa nga natin iyong lockdown, hinanda natin ang ating health system,”ayon kay Sec. Roque.

“Nasa 60% ang availability ng hospital beds and facilities [for COVID-19] patients. Kaya natin silang pagsilbihan, alagaan at pagalingin,” dagdag na pahayag nito.

Gayunpaman, hinikayat ni Sec. Roque ang publiko na gawin ang kanilang parte para paigtingin ang pagsunod sa minimum health standards kabilang na rito ang pagsuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, pag-obserba sa physical distancing, at magpaturok ng COVID-19 vaccine sa oras na ito’y available na.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na walang pangangailangan para baligtarin ang full-scale lockdown sa ngayon.

Kinatigan naman ni dating Health Secretary Manuel Dayrit ang pahayag ni Sec. Roque subalit kailangan na pabilisin ang vaccination program upang maiwasan ang economic downturn. (CHRISTIAN DALE)

154

Related posts

Leave a Comment