(BERNARD TAGUINOD)
MAGKAKAROON ng tiyak na oportunidad na makapagtrabaho maging ang mga nasa lalawigan sa plano ng susunod na administrasyon na buhayin ang turismo.
Para kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, nasa tamang direksyon ang administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na buhayin ang sektor ng turismo para sumigla ang ekonomiya ng bansa.
Nauna nang inilatag ni incoming Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco na patatatagin nito ang ugnayan ng local government at pribadong sektor sa larangan ng turismo sa bansa.
“Strong partnerships between local governments and private sector stakeholders in the tourism sector will provide both focus and synergy,” pahayag ng mambabatas kahapon.
Si Frasco ay incumbent mayor ng Liloan, Cebu subalit itinalaga ni Marcos bilang susunod na Kalihim ng DOT.
Noong 2019, 12.72% ang naiambag ng tourism industry sa Gross Domestic Product (GDP) subalit bumaba ito sa 5.4% mula noong 2020 dahil sa ipinatupad na lockdown dulot ng pandemya sa COVID-19.
