‘SAFEHOUSE’ NG REBELDENG DUMUKOT SA CAFGU INAALAM NA

NPA

IKINASA na ang hot pursuit operation ng mga sundalo laban sa mga rebelde upang matukoy ang kinaroronan ng 16 bihag – 2 sundalo at 14 na CAFGU members—at tuluyang mailigtas ang mga ito sa New Tubigon, Sibagan, Agusan del Sur.

Kasabay nito, inamin din ni Lorenzana na nagkagulatan sa grupo ng mga CAFGUnang biglang lusubin ng grupo ng rebeldeng New People’s Army ang kanilang detachment.

Ipinauubaya na rin ni Lorenzana sa mga local government units at sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang nasabing asunto.

Sa initial assessment ni Lorenzana, naging kampante umano ang mga nadukot at isa pang anggulong sinisiyasat ay may umanong CAFGU member ang kaanak ng rebelde.

Una nang inihayag ng pamunuan ng 4th Infantry Division na bumuo na sila ng board of inquiry para imbestigahan ang insidente.

Tiniyak ni 4th Infantry Division commander M/Gen. Ronald Villanueva na mapaparusahan ang mga sundalo na mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang tungkulin.

164

Related posts

Leave a Comment