Sakay ng inabandonang BMW CHINESE NATIONAL DINUKOT NG 4 ARMADO

kulong

ISANG Chinese national ang umano’y dinukot at iniwan ang luxury car noong Miyerkoles ng madaling araw sa panulukan ng San Andres at MH Del Pilar streets sa Malate, Manila.

Base sa report ng MPD, isang Chinese national ang lumutang sa tanggapan ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng MPD-Malate Police Station 9, at mismong ito ang nagkumpirma na ang kanyang kababayan ay dinukot ng apat na kalalakihang sakay ng sports utility vehicle (SUV).

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang sasakyan ng biktimang BMW na kulay gray at may plakang NDE-5943 ay nakarehistro sa Del Monte Philippines.

Una nang sinabi ng testigong si Shane Suren y Aranas, 33, video editor, ng Zamora St., Paco, Manila, na nakita nito ang lalaking sakay ng BMW na kinaladkad ng apat na mga suspek at isinakay sa SUV saka mabilis na tumakas papunta sa direksiyon ng P. Quirino Ave. sa Malate.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD-PS 9 at inaalam kung ang kaso ng biktima ay katulad din ng ibang kaso ng mga unang pagdukot sa mga Chinese national na may kinalaman umano sa pagkakautang. (RENE CRISOSTOMO)

199

Related posts

Leave a Comment