ANTIQUE GAGAWING ISA SA PANGUNAHING ‘TOURIST DESTINATION’ NG PILIPINAS

NAKATUTOK ngayon si senatorial candidate Loren Legarda sa pagpapalakas ng turismo ng kaniyang lalawigan na Antique na umano’y magiging isa sa pangunahing destinasyon ng mga turista karibal ng ibang tourist site sa bansa.

Bagaman maituturing na isang maliit na probinsya, iginiit ni Legarda na bawat isa sa 18 na bayan nito ay may kani-kaniyang katangian tulad ng mga ‘cultural at heritage landmarks’, marka sa kasaysayan, at mga natural na tanawin sa lupa at karagatan.

“Nararapat lamang na ating mabigyan ng pagkakataon ang bawat munisipalidad na maipakilala ang kani-kanilang ganda sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo,” saad ni Legarda sa paglulunsad ng Antique Trade and Tourism Fair sa bagong gawa na Old Capitol Building.

Nakipag-partner rin si Legarda sa Department of Trade and Industry (DTI) para madala ang mga lokal na produkto ng Antique sa pamamagitan ng National Arts and Crafts Fair, at nakipagkasundo rin sa Department of Tourism para mag-imbita ng mga turista sa lalawigan partikular na sa pagpapakita ng mga produkto nito sa Antique Harvest event.

Sa kaniyang panig, patuloy ang suporta ni Legarda sa mga lokal na maliit na negosyo tulad ng mga maghahabi, gumagawa ng muscovado na asukal, at mga produkto ng mga tribal organizations kabilang ang mga patadyong, palayok, at mga gawa sa kawayan.

Sa tulong ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), isinusulong ng dating senador ang pagpapanatili ng tradisyon at kultura ng probinsya lalo na ng mga katutubo. Pagpapatuloy sa pagtuturo sa Ati language, paraan ng paghahabi ng buri at
kanilang mga sayaw kabilang ang Meroy Kareñosa.

“Inaanyayahan ko po ang ating mga kasimanwa, pati na rin ang mga kababayan natin saan mang sulok ng Pilipinas na kilalanin ang aking mahal na probinsya. Maaari niyo pong bisitahin ang Antique Trade and Tourism Fair sa Old Capitol Building at ang Antique Artist Fair sa nag-iisang Balay nga Bato sa San Jose, Antique mula April 27 hanggang May 3,” saad pa ni Legarda. (DANG SAMSON-GARCIA)

593

Related posts

Leave a Comment