Kung ‘di palalawigin termino ng PNP chief DANAO O SERMONIA PAPALIT KAY CARLOS

PWEDE ang walk-in sa pagpapabakuna ng 2nd booster dose sa Valenzuela City na sisimulan ngayong Biyernes, Abril 29, 2022, para sa immunocompromised na indibidwal, edad 18 pataas na tumanggap ng kanilang 1st booster dose tatlong buwan o higit pa ang nakalilipas.

Ang mga kwalipikado ay hinihikayat na magtungo sa Valenzuela City Astrodome upang magpabakuna.

Bukas ang nasabing vaccination site mula Lunes hanggang Linggo, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Kailangang dalhin ang VCVax Passport/vaccination card, booster card, medical certificate na inisyu sa loob ng nakaraang anim na buwan, at isang valid/government-issued ID.

Ipinatutupad ang first come, first serve basis at 800 katao lamang ang maaaring tumanggap ng 2nd booster dose kada araw. (ALAIN AJERO)

163

Related posts

Leave a Comment