SAMBO, MARATHON SA TOPS

MAKABULUHANG usapan ang muling matutunghayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, ganap na 10:00 ng umaga via Zoom.

Isyu sa sports na sambo, isa sa sumisikat na martial arts sa bansa, ang tatalakayin ni Paolo Tancontin, pangulo ng Pilipinas Sambo Federation Inc., sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), at PAGCOR.

Ibabahagi naman ang pinakabagong kaganapan sa Laban ng Lahi Platoon Run Challenge ni Mr. Joenel Pogoy sa programang mapapanood via live streaming sa TOPS officials Facebook page at YouTube.

Ang TOPS ay samahan ng mga editors, kolumnista at sportswriters mula sa mga ­premyadong pahayagang pang-masa sa bansa.

Iniimbitahan ni TOPS president Beth Santos-Merana ang lahat ng mga opisyal, miyembro at sports enthusiasts na makiisa sa talakayan.
206

Related posts

Leave a Comment