SANGKOT SA ILLEGAL STL ARESTUHIN – DILG

IPINAAARESTO ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga sangkot sa ilegal na small town lottery (STL) sa bansa.

Tugon ito ni Abalos sa isang Palace briefing nitong Miyerkoles, matapos matanong sa polisiya ng DILG hinggil sa STLs na walang lisensiya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngunit patuloy na nag-o-operate sa ilang lugar.

Hinikayat din ni Abalos ang publiko na agad isumbong sa mga kinauukulan kung may nalalaman silang sangkot sa ilegal na STL upang madakip ang mga ito.

“STLs are given franchises by the PCSO. So kami ang susundin namin kung ano ‘yung binigyan ng franchise because these are the legal entities,” ayon kay Abalos.

“Lahat ng illegal dapat lamang hulihin. And if you know anyone na merong ganun, sabihin ninyo lang sa aming Philippine National Police (PNP) at ipapahuli natin kaagad,” giit ng kalihim.

Matatandaang ang STL ay itinayo ng PCSO upang magbigay ng alternatibong palaro sa mamamayan at masugpo ang pamamayagpag ng illegal numbers game.

Layunin din nitong makalikom ng dagdag na pondo para sa mga programa ng PCSO.

Gayunman, ang ilang STL ay ginagamit umanong front upang pagtakpan ang pamamayagpag ng illegal number games. (LILY REYES)

208

Related posts

Leave a Comment