SANGKOT SA TONDO STREET BOXING KAKASUHAN

INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pamunuan ng Manila Police District na imbestigahan at pag-aralan ang posibleng pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga taong responsable at sangkot sa street boxing match sa Tondo.

“I commend our local policemen for acting decisively and immediately filing charges against the barangay councilor and two other persons behind this illegal activity. Bukod sa paglabag sa quarantine rules, sinampahan din sila ng reklamong illegal gambling at game fixing,” ani Eleazar.

Subalit hindi pa kuntento ang heneral sa aksyon dahil tiyak na may iba pa aniyang personalidad na sangkot sa nasabing pa-boxing.

Kabilang sa mga posibleng sampahan din ng kaso ang mga kasali sa palaro at maging ang mga nanood ng laban dahil sa paglabag sa COVID-19 pandemic guidelines at minimum health standards. (JESSE KABEL)

84

Related posts

Leave a Comment