VENDOR DEDBOL SA BUNDOL NG MOTOR

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na vendor matapos mabundol ng rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Caloocan City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Reynaldo Lopez, ng #1038 Mariano St., Maypajo, Brgy. 33, Caloocan City.

Habang ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Queer Patrick John Ronquillo, 21, estudyante, ng #2033 Jose Abad Santos Ave., Tondo, Manila ay nagkaroon din ng mga sugat sa katawan.

Batay sa ulat na nakarating kay Caloocan City Police chief, P/Col. Samuel Mina Jr., habang tumatawid si Lopez sa A. Mabini St. malapit sa kanto ng Damayan St., Brgy. 33 dakong 1:20 ng madaling araw nang salpukin ito ng humaharurot na motorsiklo na patungong C-3 Road at minamaneho ni Ronquillo.

Sa lakas ng impact, nakaladkad ang biktima ng motorsiklo naging dahilan ng pinsala sa ulo at katawan habang nasugatan din si Ronquillo makaraang tumilapon mula sa kanyang sasakyan.

Nahaharap si Ronquillo sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (FRANCIS SORIANO)

131

Related posts

Leave a Comment