SASAKYAN NI KIM CHIU PINAGBABARIL

PINAULANAN ng bala ang itim na sasakyan ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa driver na si Wilfredo Taperla, kalalabas lang nila mula sa subdivision nang mangyari ang insidente.

Sa panayam sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN, sinabi ni Taperla na nangyari ito sa pagitan ng 6:10-6:15 ngayong umaga.

Magkakasama sa sasakyan sina Chiu, Taperla at ang assistant ng aktres nang mangyari ang pamamaril. Wala namang nasaktan sa mga ito.

Kasama si Kim Chiu sa ABS-CBN teleserye na “Love Thy Woman.” KIKO CUETO

175

Related posts

Leave a Comment