SC SA 2025 BAR PASSERS: HUWAG MAGING KAMPANTE

NANAWAGAN si Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen sa mga pumasa sa 2025 Bar Examinations na huwag maging kampante at magsikap na maging mas mahusay na lingkod-bayan upang matiyak ang pantay na akses sa hustisya, lalo na para sa mga nasa laylayan.

Inihayag ito ni Leonen sa ginanap na General Assembly at Inauguration ng historical marker ng Bar Examinations Markers sa University of Makati.

Binigyang-diin niya ang responsibilidad ng mga bagong abogado na maglingkod nang may integridad at malasakit sa publiko.

Ibinahagi rin ni Leonen ang kanyang karanasan bilang tagapangulo ng 2020–2021 Bar Examinations na isinagawa sa gitna ng pandemya ng COVID-19, na nagbunsod sa ganap na digitalisasyon at regionalisasyon ng pagsusulit.

Ang nasabing modelo ay kalaunang inampon at pormal na isinabatas ng Korte Suprema bilang pamantayan sa ilalim ng 2025 Amendments sa Rule 138 ng Rules of Court.

Ayon kay Leonen, bahagi ang mga repormang ito ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022–2027 na naglalayong gawing moderno, episyente, at mas inklusibo ang sistema ng hustisya.

Pinuri rin niya ang pamunuan ng University of Makati at ang lokal na pamahalaan ng Makati City sa suporta sa makasaysayang pagpapatupad ng digital at regionalized bar exams.

(JULIET PACOT)

33

Related posts

Leave a Comment