SEC. CRUZ PINASALAMATAN NG MGA EMPLEYADO NG DAR, MAGSASAKA

SA pagtatapos ng termino ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022, pinasalamatan ng mga empleyado, opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) at samahan ng magsasaka si DAR acting Secretary Bernie Cruz dahil sa kanyang mga nagawa at naisakatuparang mga proyekto sa ahensya sa kabila ng maikling panahon na paninilbihan.

Sa Facebook page ni Sec. Cruz bumuhos ang pasasalamat ng mga empleyado at opisyal ng DAR sa mga naisakatuparan proyekto, programa ng kalihim at pagtulong sa mga magsasaka para maasam ang lupang kanilang sinasaka at maging sarili nilang lupa.

“Mahirap na trabaho pero napagaan mo ang loob ng manggagawa at napasaya buong DAR sa pagpapakumbaba. Mabuhay ka Sec. Bernie,” ayon sa empleyado na si Zaldy.

“Thank you sir Sec. Bernie Cruz. you did a great work in our DAR family! God bless sir,” ayon pa sa isang empleyado ng DAR.

Pinangunahan din ni Cruz ang pagbubukas ng maraming tulay at daan sa mga liblib na probinsya upang maihatid ang serbisyo ng pamahalaan sa mga magsasaka at sa komunidad ng pagsasaka.

Nauna nang sinabi ni Sec. Cruz na malaki ang maitutulong ng tulay sa mga magsasaka sapagkat ito ang maghahatid ng pag-unlad sa mga lalawigan para sumulong ang kalakalan.

Magugunitang sinabi ni Sec. Cruz na upang maipatupad ang pangako ng administrasyon ni Pangulong Duterte, isinasakatuparan ng DAR ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). (PAOLO SANTOS)

115

Related posts

Leave a Comment