SEDITION SA MGA NAGSUSULONG NG REVGOV MALABO

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para bumagsak sa klasipikasyon ng ‘inciting to sedition’ ang mga nagsusulong ng revolutionary government.

Katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, basta’t hindi nakakikita ng ‘clear and present danger’ sa pagsusulong ng ‘revgov’ ay walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para mahulog sa sedisyon ang mga nagtutulak nito.

Giit ni Sec. Roque, karapatan ng grupong nagsusulong ng panukala na makapagsalita nang malaya at mas maiging ibigay na lang sa kanila ito.

Bukod sa bahala na rin aniyang magpahayag ang mga ito ng kanilang motibo sa iginigiit na ‘revolutionary government’ na ayon sa tagapag- salita ay ‘moot and academic’ na kung tutuusin.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque, nananatiling nakatuon ang atensyon ng pamahalaan na tugunan ang matinding epekto ng COVID-19 crisis sa bansa kaysa pag-aksayahan ng panahon ang revgov.

Sa kalatas na ipinalabas ni Sec. Roque, sinabi nito na malaya ang Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) na maghayag ng kanilang opinyon na bumuo ng isang revolutionary government na pamumunuan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“The call to establish a revolutionary government came from a private group and the organizers are free to publicly express their opinion,” pahayag ni Roque.

Aniya, nakatuon ang pansin ng administrasyon sa pagpapagaan ng epekto ng COVID-19 sa socioeconomic at hindi sa revgov.

“The focus, however, of the administration is addressing COVID-19 and mitigating its socioeconomic impact. The most pressing and most urgent concern, which requires the Executive’s full attention, is the gradual opening of the economy while safeguarding the people who are working, going back to work amid the pandemic,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, tinatayang 300 katao ang nagtipon-tipon sa Clark Freeport, Pampanga noong nakaraang linggo para talakayin ang revolutionary government.

Ayon kay PNP chief Archie Gamboa, nakatanggap siya ng imbitasyon na may nakatakdang pagpupulong noong Agosto 20 pero hindi siya nakasipot.

Sinabi naman ng MRRD NECC, susulong sila sa Malakanyang para ipaabot kay Pangulong Duterte ang kanilang panawagan.

Ang pokus aniya ng Pangulo ay ang problema sa COVID at ang gagawin nitong pagsasalin ng kapangyarihan sa sinumang susunod na Pangulo sa 2022. (CHRISTIAN DALE)

107

Related posts

Leave a Comment