SEEDS DISTRIBUTION AMBAG SA BRIGADA ESKWELA

DAHIL sa mga hamon ng COVID-19 pandemic, hinimok ni Sen. Cynthia A. Villar ang publiko na maging mas creative at produktibo sa paggamit sa kanilang oras.

Sa kabuuan, hindi pa pinapayagan ang face-to face classes bunga ng restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus

Sa pagsisimula ng “Brigada Eskwela,” pinaalalahan ng Department of Education (DepEd) ang mga pinuno ng paaralan na ipatupad ang Gulayan sa Tahanan o Urban Vegetable Gardening at Home bilang bahagi ng Brigada Eskwela and School-Family-Community partnerships upang isulong ang sustainable food supply sa mga bahay.

“With this, we found a new way of contributing to this program. The senator has intensified her advocacy of distributing seedlings of various vegetables seeds to schools all over the country,” ayon kay Villar.

“This is my humble way of joining the Brigada Eskwela– giving them seeds and organic fertilizers from my composting and vermi-composting facilities which they can plant in the school compounds,” dagdag pa ni Villar, chair ng Senate committee on agriculture and food.

Naghain din si Villar ng mga panukalang batas sa Senado upang maibalik ang school-based vegetable gardening o “Gulayan sa Paaralan.

Inihain din niya ang Senate Bill No. 147 o ang Instructional Gardens Act na nagtatakda sa pagtatayo ng instructional gardens sa lahat ng elementary at secondary schools, public o private.

Layunin ng panukalang batas na ito na maging institutionalize ang “Gulayan sa Paaralan” program para isulong ang health awareness, good nutrition at makatulong sa pagsugpo sa malnutrition. (ESTONG REYES)

214

Related posts

Leave a Comment