SEGURIDAD KONTRA BANK ROBBERY AT CYBERCRIME, PINAIGTING SA QUEZON

MAS pinaigting na koordinasyon at mas malinaw na estratehiya laban sa bank robbery at cybercrime ang naging pangunahing resulta ng idinaos na Provincial Joint Anti-Bank Robbery and Cybercrime Coordinating Committee (JABRACCC) Meeting ng Quezon Police Provincial Office nitong Huwebes, Enero 29.

Sa pagpupulong na pinangunahan ni PCol. Romulo A. Albacea, Acting Provincial Director ng Quezon PNP, at Chairman ng JABRACCC, nagkaisa ang pulisya, mga kinatawan ng mga financial institution at partner agencies sa pagpapalakas ng information sharing, crime trend analysis, at preventive measures upang mas maagapan ang mga banta sa mga banko at online transactions.

Inilahad sa pulong ang mga ulat mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 31, 2025 na nagsilbing batayan sa pagbuo ng mas epektibong plano sa seguridad at mas mabilis na pagtugon sa insidente ng krimen.

Ayon sa Quezon PPO, ang mas pinaigting na ugnayan ng mga ahensya ay inaasahang magreresulta sa mas ligtas na transaksyong pinansyal at mas protektadong publiko sa buong lalawigan ng Quezon.

(NILOU DEL CARMEN)

18

Related posts

Leave a Comment