MISTULANG dumadaan sa butas ng karayom ang mga empleyado ng Malakanyang dahil sa mas mahigpit na proseso na ipinatutupad ng Presidential Security Group sa mga empleyadong dumaraan sa gate 2 kung saan nag-oopisina ang mga taga Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Kung dati-rati ay mga bisita lang ang nagpi- fill up ng form, ngayon, pati mga empleyado ay obligado nang magbigay ng kailangang impormasyon na hinihingi ng PSG tulad ng kung may history ng biyahe, inuubo o sinisipon, at iba pa.
Pagkatapos masagutan ang form, sasalang naman sa thermal scanning at kapag umabot sa 38 ang temperature ay hindi na ito papapasukin.
Kapag mababa naman sa 38 ang temperature, tatatakan na ng clearance ng PSG ang papasok sa NEB. CHRISTIAN DALE
334 