SEGURIDAD SA SULTAN KUDARAT HINIGPITAN

AGAD nagpatupad ng security adjustment ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Sultan Kudarat kasunod ng pagpapasabog sa isang unit ng Yellow Bus Line kamakakawa.

Sa formal opening ng AFP Joint Exercise (AJEX) “DAGIT-PA” sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City, inihayag ni AFP chief of Staff General Bartolome VO Bacarro ang magkatuwang na pagbibigay seguridad ng AFP at PNP.

Samantala, bumuo na ang PNP ng isang special investigation task group na tututok sa nangyaring pagpapasabog sa bus ng Yellow Bus Lines Inc. sa Purok Duranta, Barangay Poblacion, Tacurong City.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, layon ng task force na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pag-atake na ikinasawi ng isa katao at 11 ang sugatan.

Sinabi pa ni Col. Fajardo na mayroon na rin silang persons of interest sa insidente.

Extortion ang isa sa mga nakikitang dahilan sa pagpapasabog sa YBL na ilang beses na umanong naging biktima ng mga hinihinalang terrorist group or lawless elements.

“Sa ngayon hindi pa po namin maibigay sa inyo ang kumpletong detalye kung anong grupo ito sapagkat tinitingnan pa po namin dito yung modus operandi na ginamit nila,” ayon kay PCol. Rogelio Raymundo Jr. ng Police Regional Office 12.

Nabatid na noong isang buwan nag-umpisa ang tangkang pangingikil sa Yellow Bus Line. (JESSE KABEL RUIZ)

483

Related posts

Leave a Comment