SEKYU NG HOTEL BINARIL NG RIDER

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider na bumaril sa isang security guard na naka-duty sa harapan ng isang hotel sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi.

Inilarawan ang suspek na nakamotorsiklo ng isang itim na Yamaha Mio, nakasuot ng green jersey at itim na half face helmet.

Nilalapatan naman ng lunas sa Gentri Doctors Hospital ang biktimang si Nilo Martines, isang civilian guard sa Ranchotel Hotel, dahil sa tama ng bala sa hita at kaliwang bahagi tiyan.

Ayon sa ulat, naka-duty ang biktima bilang isang civilian guard sa harapan ng Ranchotel Hotel sa Arnaldo Highway, San Francisco, Gen. Trias City, Cavite bandang alas-11:47 ng gabi nang tumigil ang suspek na sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang sekyu.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek sa direksiyon ng Tropical Village habang ang biktima ay isinugod sa ospital.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

25

Related posts

Leave a Comment