SEN. MARCOS NAMAHAGI NG ‘PAMASKONG HANDOG’

NAMAHAGI ng tulong na may temang “Pamaskong Handog” si Senadora Imee R. Marcos sa mga kapuspalad na pamilya sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Sabado ng umaga.

Inasistehan ang senadora ni Manila Mayor Maria Shiela “Honey” Lacuna-Pangan kasama si Vice Mayor Yul Servo Nieto sa pamamahagi ng tulong na pagsasaluhan sa Pasko.

Bandang alas-5:00 ng hapon, nakaposisyon na si Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, at mga tauhan nito sa pagdating ng senadora para sa aktibidad na isinagawa sa covered court ng Barangay 649, Zone 68 sa Baseco.

Naroon din ang ibang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na kasama ng butihing senadora.

Unang dumating sa area ang mga tauhan ng MPD – Special Weapons and Tactics (SWAT) na ipinadala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon kasama ang mga miyembro ng Explosive Ordnance Division (EOD) para sa seguridad ng senadora.

Habang tumulong din para sa kaayusan si Barangay Chairwoman Diana Espinosa, ang mga kagawad nito at mga barangay tanod para maging maayos ang pamamahagi ng tulong

May ilang oras din bago natapos ang pamimigay ng tulong ng senadora at maayos na umuwi ang mga indibidwal na may ngiti sa kanilang labi bunsod ng tuwa dahil mayroon na silang pagsasaluhan sa bisperas ng Pasko. (RENE CRISOSTOMO)

222

Related posts

Leave a Comment