SENATE PROBE INISNAB NGCP PREXY UMIWAS MAGISA

DISMAYADO ang mga senador sa pag-iwas ng presidente ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagdinig kaugnay ng alegasyong maraming dayuhan ang nakaposisyon sa nasabing ahensya.

Hindi naitago ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, ang pagkadismaya sa hindi pagdalo sa pagdinig ni NGCP president at chief executive officer Anthony Almeda para sagutin ang mga alegasyong kinasasangkutan ng ahensya.

“Nakadidismaya dahil ang presidente ng NGCP na dapat nandito para magbigay linaw sa mga issue, ay wala. ‘Yung ibang mga senator natin na nagbigay oras para dito, nadismaya rin dahil gusto nating marinig diretso from the NGCP president ‘yung mga issues at allegations against NGCP. Pero dahil wala s’ya, hindi natin matutuloy ito. Binigyan natin siya ng warning na ito na ang huli at next time, dapat dumalo s’ya sa hearing,” giit ng senador.

Bagama’t nagpadala ng representatives ang NGCP ay hindi naman ito tinanggap ng mga senador dahil tanging si Almeda umano ang makasasagot sa mga tanong.
“Itong NGCP ay napakalaking imprastraktura natin, importanteng marinig natin mula sa NGCP president ‘yung mga sagot dahil gusto rin nating makita ang kanyang kakayahan at ang kanyang intensyon na siya lang ang makakasagot,” sabi pa nito.

Giit ni Gatchalian, malaki ang pananagutan ni Almeda lalo na at ang NGCP ay naka-reserve para sa mga Filipino.

“Base sa mga nakikita namin sa records, maraming mga dayuhan, 35 foreigners ang nagtatrabaho rito. Ito ‘yung mga tanong na gusto naming marinig ang sagot nang diretso,” dagdag pa ni Gatchalian.

Dahil sa pang-iisnab ni Almeda ay nagdesisyon si Gatchalian na suspendehin ang pagdinig at tiniyak na magsasagawa pa rin ng susunod na pag-iimbestiga. NOEL ABUEL

145

Related posts

Leave a Comment