Sensory-friendly screening ng “Firefly” sa SM Cinemas, nagbigay ng liwanag ukol sa inclusion

Isang bata na nasa autism spectrum ang nagbahagi ng isang matamis na ngiti kasama ang kanyang pamilya sa sensory-friendly screening ng “Firefly” sa SM Southmall.

Sa pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week, nagkaisa ang SM Cares, SM Cinema, Autism Society Philippines (ASP), at GMA Pictures upang magdaos ng isang matagumpay na sensory-friendly screening ng award-winning film na “Firefly” noong Enero 17, 2025. Mahigit 2,000 participants mula sa iba’t ibang SM malls—kabilang ang mga bata na nasa autism spectrum at kanilang pamilya—ang nag-enjoy sa isang heartwarming at inclusive na movie experience.

“Tuwing pumapasok kami sa mga SM malls, damang-dama namin ang acceptance, accommodation, at appreciation. Ito ang normal dito,” ani Dang Uy Koe, Chair Emerita ng Autism Society Philippines (ASP).

SM Cares, SM Cinema, Autism Society Philippines, at GMA Pictures ay nagsanib-puwersa upang dalhin ang sensory-friendly screening ng “Firefly” sa mga batang nasa autism spectrum at kanilang pamilya sa SM North EDSA Cinema.

Ang mga bida ng “Firefly” na sina Alessandra De Rossi (kanan) at Euwenn Mikaell (kaliwa) ay dumalo rin sa screening sa SM North EDSA Cinema.

Paglikha ng welcoming space

Hindi lamang entertainment ang layunin ng “Lights Up, Sounds Down” event. Sa pamamagitan ng pag-adjust sa ilaw at volume, paglikha ng relaxed na atmosphere, at paggawa ng movement at vocalizations, naging mas komportable ang screening para sa mga batang nasa autism spectrum. Napanood nila ang pelikula nang ayon sa kanilang sariling bilis at antas ng kaginhawaan.

Ang Autism Society Philippines (ASP) National Spokesperson na si Mona Magno-Veluz ay nagbigay ng mensahe bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week.

Isang makabagbag-damdaming sandali ang nakunan sa sensory-friendly screening ng “Firefly” sa SM City Olongapo Central, kung saan magkasama ang mga pamilya sa isang welcoming at inclusive na movie experience.

“Sa SM Supermalls, naniniwala kami na ang paglikha ng mga espasyo kung saan naipaparamdam sa bawat isa na sila ay kasama natin, sila ay mahalaga at iginagalang, ay isang mahalagang responsibilidad na aming pinanghahawakan. Bahagi na ito ng aming paraan ng pamumuhay,” ani Engr. Bien Mateo, SM Cares Program Director for Disability Affairs.

Ilan sa mga guests ang naka-experience ng magic na dala ng ‘Firefly’ sa sensory-friendly screening sa SM City Telabastagan, Pampanga.

Isa sa mga inimbitahang guest ang na-enganyong sa sensory-friendly screening sa SM City Marikina.

Isang batang lalaki ang nag-enjoy sa special screening at nagpakita ng respeto at pasasalamat sa pamamagitan ng tradisyunal na ‘mano po’ sa SM City Cebu.

Patuloy na komitment

Napuno ng positibong feedback mula sa mga pamilya ang event. Marami ang nagpasalamat sa inclusive environment at binigyang-diin ang kasiyahan at ginhawang naranasan nila. Pinatunayan nito ang halaga ng pagbibigay-pansin sa pangangailangan ng autism community.

SM Cares: Championing inclusion

Ang komitment sa inclusivity ay nangangailangan ng patuloy na pagsisikap. Patuloy itong pinapatunayan ng SM sa pamamagitan ng employee training programs na layuning suportahan ang mga indibidwal sa autism spectrum at kanilang pamilya. Bukod dito, binibigyang-priyoridad ng SM Cinema ang accessibility features sa kanilang mga sinehan upang lumikha ng welcoming environment para sa lahat ng bisita.

Ang SM Cares ay ang Corporate Social Responsibility arm ng SM Prime Holdings na may mga programang sumusuporta sa mga komunidad, nagsusulong ng social inclusion, at pagmamalasakit sa kalikasan. Bukod sa program para sa Persons with Disabilities (PWDs), kabilang sa kanilang mga adbokasiya ang Programs for the Environment, Women and Breastfeeding Mothers, Children and Youth, Senior Citizens, at ang SM Bike-friendly Initiative.

Para malaman ang iba pang impormasyon, pumunta sa www.smsupermalls.com/smcares.

3

Related posts

Leave a Comment