IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Setyembre 14, 2026 bilang special non-working day sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makilahok sa kauna-unahang regular parliamentary elections ng rehiyon.
Nakasaad sa Proclamation No. 1395 na mahalagang bigyan ang mga taga-BARMM ng sapat na panahon upang aktibong makilahok sa halalan at maisagawa ang kanilang karapatang bumoto.
“In order to give the people of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao the opportunity to actively and fully participate in the election and exercise their right to vote, it is but fitting and proper to declare Monday, 14 September 2026, as a special (non-working) day,” ayon sa proklamasyon.
Ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections ay itinakda sa Setyembre 14, 2026 sa ilalim ng Republic Act No. 12317, na nag-amyenda sa Bangsamoro Organic Law.
Ang Proclamation No. 1395 ay nilagdaan noong Agosto 18 ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot ni Pangulong Marcos.
(CHRISTIAN DALE)
93 