ON vacation leave muna si Megastar Sharon Cuneta from work.
Kaya nga sa pagbabalik ng reality show na “The Voice Kids” kung saan sa last season ay isa siya sa mga mentors kasama sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo, mas nanaisin ni Mega na magpahinga muna from her duties and responsibilities as a showbiz personality to focus on her role as a mom.
Yes, nasa US of A ngayon si Sharon kasama ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan, Miel, Miguel, KC at Frankie na sa New York na mag-aaral.
Inihatid ng buong angkan nina Shawie at Sen. Kiko ang panganay, at sa isang IG posting, makikitang male-maleta ang bitbit na inililipat sa dorm na titirahan ng anak.
Nag-food crawl din ang pamilya kasama ang dalawang kasambahay nila na nag-enjoy sa iba’t ibang cuisine na matatagpuan sa Big Apple.
Malamang, isa sa dalawang kasambahay ay ipaiiwan ni Mega to take care of her daughter’s needs.
Ngayon na walang showbiz commitment si Mega, anytime na kapag nami-miss niya ang anak, asahan mo, susugod sa New York si Shawie para makasama ang anak.
I remember noong nag-aral sa Boston si Sen. Kiko more than a decade ago, bitbit nila si KC and for a while ay doon nanirahan sina Mega.
Pero may promise naman ang anak kay Mega na uuwi siya ng Pinas every three or four months.
Kahit left and right ang offers kay Mega, she chose to be free of commitments lalo na sa mga tapings na weekly dahil anytime she wants to fly to NYC ay keri niyang umalis para dalawin ang panganay nila ng mister.
Sa katunayan, after maisaayos ang pagsisimula ng anak sa kanyang pagka-college ay balik-Pinas naman ang singer-actress sa paghahanda para sa major concert niya sa Araneta with Regine Velasquez this October.
PA-SEXY MARCO, TATALBUGAN NI RK SA CUDDLE WEATHER
Kung much talked about ang pagpapakita ng kanyang behind ng sexy hunk na si Marco Gumabao sa love scene nila ni Anne Curtis sa pelikulang Just a Stranger (si Marco ang may idea at nag-suggest kay Direk Jason Paul Laxamana nito), mas tatalbugan malamang ni RK Bagatsing ang paandar ni Marco sa pelikula naman niya na Cuddle Weather with Sue Ramirez.
Isa ang Cuddle Weather sa walong official entries sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP na magsisimula sa September 13.
Isang callboy (lalaking for hire) si RK at call girl naman si Sue. Knows n’yo ba na mas kabado ang aktor kaysa sa dalaga sa mga sexy scenes nila sa pelikula?
May isang eksena ang dalawa na kinakabayo ni Sue ang aktor. Si Sue, mas daring kaysa kay RK while ang binata, as a real gentleman, hindi open na open sa pagkukuwento ng mga eksena nilang dalawa.
Si RK, nagkaroon pa ng one on one interview sa isang totoong “male prosti” to get an idea and feel of his role.
