ANAK NI JOSE MANALO VIVA ARTIST NA

DALAWANG magkasunod na contract signing with Viva Artists Agency (VAA) ang aming dinaluhan last Thursday, February 26, ang magkahiwalay na paglagda ng management contract ng singer-actor-dancer at writer na si Benz Manalo at ng sexy singer-actress na si Kara Madrid (dating Kara Mitzi).

Seventeen years old noon si Benz nang siya’y sumali sa talent reality search ng GMA, ang “Starstruck” noong 2005 kung saan sina Jackie Rice at ang yumaong si Marky Cielo ang tinanghal na Ultimate Survivors pero maagang nag-asawa at nahiwalay si Benz at meron na siyang isang 13-year-old son na si Nathan na nasa kanyang pangangalaga.

Engaged to be married (again) si Benz sa komedyanang si Lovely Abella ng GMA at sa January 2021  sila magpapakasal either sa isang beach or garden wedding.

Si Lovely ay meron ding 12-year-old daughter na si Tricia sa dating karelasyon.

Ayon kay Benz, isa na umano silang masayang pamilya ngayon dahil kasama nila ang dalawa nilang mga anak.

Ang maganda, may sarili na ring bahay ngayon sina Benz at Lovely at kasal na lamang umano ang kulang sa kanila at pagkakaroon din nila ng bagong karagdagang anak.

Si Benz ay isa sa limang anak ng singer-comedian at TV host at Dabarkads ng “Eat Bulaga” na si Jose Manalo na proud sa kanyang mga anak.

Ang nakatatandang kapatid ni Benz na si Nicco Manalo ay isa ring actor at may kapatid na rin silang isang doctora.

Kahit hiwalay ang mga magulang ni Benz, never umanong nagpabaya sa kanilang magkakapatid ang kanilang ama.

 

Samantala, may movie assignment kaagad si Benz sa Viva, ang “Spellbound” na pinagbibidahan nina Bela at Marco Gumabao.

KARA MADRID BALIK-VIVA

Balik-Viva ang sexy singer-actress na si Kara Madrid (dating Kara Mitzki) where she recorded her first single na pinamagatang “Tayo” under Viva Records.  Ang nasabing awitin ay komposisyon ni Nica del Rosario, the same composer ng “Tala” hit song ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo.

Aminado si Sarah na hindi niya na-promote ang nasabing awitin kaya natuwa siya nang sabihin ni Boss Vic del Rosario na gagawan ito ng dance music video para ma-promote ang nasabing awitin.

Bukod sa management contract, si Kara ay lumagda rin ng recording at movie contract with Viva Records and Viva Films.

Luckily for her, agad isinama si Kara sa “Adarna” movie na tinatampukan nina Coleen Garcia, Mark Anthony Fernandez, JC Santos at AJ Muhlach.  Kasama rin si Kara sa ginagawang movie ngayon ng OctoArts Films, ang “Zombie Island” kung saan sina Beauty Gonzales, Elisse Joson, Isabelle Daza, Paolo Contis at Niño Muhlach ang mga bida. Ito’y pinamamahalaan ng box office director na si Barry Gonzalez na siyang nag-direk ng dalawang box office hits ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival.

Si Kara ay napapanood din sa top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang isang policewoman.

Excited si Kara sa pagpasok ng bagong taon dahil sunod-sunod ang blessings na dumarating sa kanya.

JOHN LLOYD, BEA BALIK-TAMBALAN

Marami ang natutuwa na magbabalik-showbiz ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz matapos ang kanyang mahigit dalawang taon na bakasyon from showbiz.

Nakatakda niyang gawin ang pelikulang “Servando Magdamag” opposite his ex-girlfriend na si Shaina Magdayao.  May napipinto rin umanong proyektong pagsasamahan nila ng kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo.

Request ng followers ni John Lloyd na sana’y ibalik nito ang kanyang dating clean look at hindi `yung mukha na siyang ermitanyo.

Si John Lloyd ay hiwalay na rin sa kanyang dating partner na si Ellen Adarna kung kanino siya may isang anak, ang more than one-year-old na si Elias Modesto na hindi na inabutan ng yumaong ama ng actress na si Ellen.

Kung magbabalik-showbiz si John Lloyd, gayun din si Ellen.

Ngayong single muli si John Lloyd at single din si Bea, bakit hindi na lamang kaya sila?

 

 

221

Related posts

Leave a Comment