McCoy, HINDI PA RIN OKAY SA INA NI ELISSE

NAGING mailap sumagot si McCoy de Leon sa presscon ng Batang Quiapo nang interbyuhin ito tungkol sa kanila ni Elisse Joson. Ang huli nating nabalitaan ay nagkabalikan nga sila at nagkaayos naman. Pero ipinagtataka namin ay naging matipid at iwas na siyang sumagot ngayon.

Nang kamustahin kasi namin ang lagay nila, matipid lang na, “Kung ano man po ‘yung sa amin ni Elisse sa amin na lang ‘yun.” Nang mag-follow up question kami kung kamusta na sila ng ina ng aktres mabilis siyang umiwas at sinabing ,” Ayoko na po munang magsalita tungkol dun.” Well alam naman namin hindi pa rin sila okay ng ina ni Elisse na si Dr. Barbara dahil sa latest post ng mag-ina nitong Mother’s Day ay tatlo lamang silang nag-celebrate kasama ang anak ng aktres at ni McCoy na si Felize.

Pero may isa pa rin kaming napansin sa pagbisita namin sa parehong IG ng dalawa. Hindi na ito katulad dati na may posts silang larawan nilang magpamilya. Ngayon  solo na lang kasama ang anak. May something kaya? Anong sey n’yo?

685

Related posts

Leave a Comment