SA imbitasyon ni direk Ryan Manuel Favis ay dumalo kami sa pocket presscon ng Whirl To Flower Castle sa Cabalen, sa pangunguna ng King and Queen na sina Clark Samartino at Cherin Maruji. Naroon din ang beneficiary at kinatawan ng PWD na si direk Ron Sapinoso. Isa itong fashion show for a cause na produce ng Inding Indie Film Festival.
Hindi rin maiwasan matanong si Clark tungkol sa dating manager nito na iniwan na niya at nasa pangangalaga na nga siya ng produksyon ni direk Ryan pagdating sa film.
“Sunud-sunuran kasi ako sa dati kong manager. Wala akong sariling desisyon. ‘Yung pelikulang ginawa ko na natapos ay hindi ako nabayaran at hindi na naipalabas. May mga nauna na sa aking umalis, sumunod lang ako. Kahit saan ako magpunta naka-monitor sa kanya at wala akong allowance.”
Hindi rin daw nagustuhan ni Clark ang pagtatago sa katotohanang may dalawa na siyang anak. Ito raw kasi ang utos ng dating manager na huwag itong sabihin. Bagay na dinala niya ng mabigat dahil pamilya raw niya ito.”
Parang nabunutan daw ng tinik si Clark sa pag-alis niya sa dating manager. Mabuti na lamang daw at may mga mommies na OFW ang nanatiling sumuporta sa kanya at tumutulong sa kanyang karera.
Kahit naman tiyuhin ni Clark ang batikang aktor na si Lloyd Samartino, siyempre gusto niyang makilala bilang Clark sa sarili niyang pagsisikap. (Mildred Amistad Bacud)
1277