ANG MALDITANG TV PERSONALITY AT ANG BILMOKO BEAUTY QUEEN

oleaKASADO na ang Iconic concert nina Sharon Cuneta & Regine Velasquez sa Oktubre 18 & 19 sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Matagal nang pinaghahandaan ang back-to-back concert ng Megastar at ng Asia’s Songbird, na ididirek ni Rowell Santiago. Ang musical directors ay sina Louie Ocampo at Raul Mitra.

Sagasa ang dalawang gabi ng Iconic sa 2nd edition ng Pinoy Playlist Music Festival (PPMF), na gaganapin sa Oktubre 11, 12, 13, 18, 19 at 20 sa tatlong venue ng BGC Arts Center, 26th corner 9th Avenue, Taguig City.

oOo

Pa-guest-guest pa rin sa mga concert at palabas ang isang all-male sing-and-dance group.

Ngunit bago magtapos ang taon, mabubuwag na ang grupo. Magkakani-kanya nang landas ang mga miyembro.

Matagal-tagal na sila sa entertainment industry, at meron na silang mga hukbo ng tagahanga, pero mailap sa kanila ang suwerte para masabing sikat na sila.

Ewan kung may kinalaman doon ang kulay ng kanilang mic, o sadyang kapos sila sa talento kaya hindi makaalagwa nang husto.

oOo

KAABANG-ABANG ANG KISSING SCENE NINA ALBIE AT MIGS SA ISA PANG BAHAGHARI

MIGS-1Ika-50 at huling linggo na ng “Los Bastardos” sa ABS-CBN. Sa mga istorya ng Precious Hearts Romances (PHR), ito ang pinakamatagal so far.

Sa mga bida sa “Los Bastardos,” umangat si Marco Gumabao dahil sa pelikulang Just A Stranger with Anne Curtis.

Si Albie Casiño ay may dalawang bagong pelikula — Isa Pang Bahaghari kung saan gumanap siya bilang batang Phillip Salvador, at Ang Henerasyong Sumuko Sa Love.

Aspiring entry sa MMFF 2019 itong Isa Pang Bahaghari, kung saan bida rin sina Nora Aunor at Michael de Mesa. Ayon sa isang showbiz insider, mas maganda ito kesa sa Rainbow’s Sunset from the same production team.

ALBIE-1Kaabang-abang sa Isa Pang Bahaghari ang kissing scene ni Albie with Migs Almendras na gumanap bilang batang Michael de Mesa.

Hindi iyon big deal kay Albie, lalo pa’t may nagawa na siyang gay role before. Nagwagi pa nga siya sa Gawad Tanglaw para sa “MMK” episode na pinagbidahan niya bilang transgender.

Tweetums ang halikan na iyon kumpara sa lampungan sa batis nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa pelikulang Lihis na idinirek ni Joel Lamangan.

Sabi ni Albie, “So, for me… ang arte, arte lang talaga… Di ba? It’s true. It’s the role. It’s the character. It doesn’t mean that you’re that way.”

oOo

Kim vs. Kim! Magsasabong sa takilya sa Miyerkoles ang launching movie ni Kim Molina na #Jowable katambal ang jowang si Jerald Napoles, at ang Kiko en Lala kung saan leading lady ni Super Tekla si Kim Domingo.

Kapapanalo pa lang ni Kim de Leon bilang Ultimate Male Survivor sa Season 7 ng “StarStruck,” at nasa kamalayan pa natin sina Kim Chiu, Kim Atienza, Kim Idol, Kim Rodriguez, at Kim Last.

Teka, ano na ba ang nangyari kay Kim de los Santos?

oOo

Apat na pelikula pala ang naiwan ni Eddie Garcia nang pumanaw siya noong Hunyo 20. Dalawa sa mga ito ay nai-showing na — Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo with Dennis Padilla, Andrew E., at Janno Gibbs, at Circa with Anita Linda.

Ang dalawa pang natira ay Kalel, 15 with Jaclyn Jose & Elijah Canlas, at Kings of Reality Shows: The Untold Story with Ariel & Maverick.

oOo

Confirmed! May taglay na kamalditahan ang isang baguhang TV personality. May attitude. Feeling entitled.

Gandara ang kanyang panlabas na anyo. Sopistikada ang aura. Pero ang mga iginagawi niya… pwe!

Pangako ng isang beteranong showbiz reporter, “Huwag siyang pahara-hara sa harapan ko or else, makakatikim siya sa akin!”

oOo

Dedma ang isang mabait na negosyante nang koronahan ang isang dilag sa timpalak kamakailan.

Hindi nalalayo ang edad ng businessman at beauty queen sa isa’t isa. Limang taon ang kanilang naging relasyon, kung saan nasunod ang mga kapritso ng dalaga sa masipag at madiskarteng nobyo.

Iginalang ng binata ang pagkababae ng beauty queen. Nagtiis ito na wala silang pagsisiping, bagama’t nagmukhang DaOMa ang ginoo sa dalagang bilmoko.

Ilang araw bago ang timpalak, nag-message pa ang dilag sa ex-boyfriend. Patay-malisya na lang ang lalaki, at weird ang pakiramdam niya sa mahiwagang mensahe.

321

Related posts

Leave a Comment