MASAYANG ibinahagi nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ang gender ng kanilang first baby sa kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan sa ginanap na gender reveal party, kung saan andun din ang ina ng aktres na si Jaclyn Jose at siyempre pa, ang anak ni Andi (with actor Jake Ejercito) na si Ellie.
The couple shared photos and videos of the party on their social media accounts. Ikinatuwa ng lahat especially nina Andi at Philmar na baby girl ang kanilang panganay. Maganda dahil may makakalaro na si Ellie.
“Yeeyyyyy another mermaid in the house for this 2!” “Congrats! well-deserved blessing”
Ikinuwento rin ni Andi how she ended up moving to Siargao instead of Baler. Ipinasilip niya rin through her Instagram account ang kanilang future home in Siargao where Philmar is currently based.
NABIGLA ANG LAHAT SA PAGPANAW NI CHOKOLEIT
NAGULANTANG ang Philippine entertainment industry and saddened by the news that comedian Chokoleit passed away after he experienced difficulty in breathing after an out of town performance. [See also SHOWBITZ NEWS].
Actually, nahalata ng mga kasamang artista na kulang sa sigla at hirap magsalita si Chokoleit sa variety show noong Marso 9, kasama ang iba pang ABS-CBN talents gaya nina Coleen Garcia, Enchong Dee, Paulo Avelino, JM de Guzman, Ryza Cenon at Pops Fernandez.
May kuwento pang during dinner pa lang ay hindi na ’yung “the usual Chokoleit” ang kasama nila sa dinner dahil mukha itong pagod at hindi makulit at masayahin gaya ng nakasanayan sa komedyante.
Nakapag-perform pa raw sandali si Chokoleit at nagsisisigaw pa sa simula pero sa kalagitnaan ay nakitaan ng panghihina kaya pinatigil na at isinugod daw sa ospital.
Sa napanood naming video ni Chokoleit bago mag-perform noong Sabado ay halatang hinihingal na siya habang nagsasalita pero pinilit pa rin niyang mag-perform.
Si JM daw ang finale na magpe-perform at pagkatapos daw ng performance ni JM ay sinabihan si JM na wala na si Chokoleit.
Huling napanood si Chokoleit sa MMFF movie ni Vice Ganda, ang Fantastica.
Kabilang sa mga naunang nagpahayag ng kanilang pagluluksa ang komedyanteng si Vice Ganda, na kilala rin bilang isa sa mga malalapit na kaibigan ni Chokoleit: “Thank you Lord for giving me a chance to meet Chokoleit and become his friend. I’m sad that we lost him. But happy that he’ll be in a much peaceful and happier place now with you. Thanks for everything Chokie. I love you!!! Rest well my friend.”
Ilan pa sa mga artistang maagang nagpahatid ng pakikiramay sina Paulo Avelino, Angel Locsin, Vhong Navarro, Amy Perez, John Lapuz, Mayward, Enchong Dee, at marami pang iba.
246