UMAMIN sa naranasang panloloko ng kanyang dalawang ex-boyfriends si Arci Muñoz bilang bahagi sa tema ng lalabas nitong movie with JC Santos para sa PPP 2019, ang Open.
Kuwento ni Arci sa “Abantelliling” (isang podcast show), natuklasan niyang nakabuntis ang boyfriend niya noon – at kaibigan pa niya! Hindi natunugan ni Arci ang panloloko dahil bulag siya sa pag-ibig.
Ganundin ang isa pa niyang kasintahan noon na nambabae rin.
Naloka si Arci sa naranasan sa mga exes niya, na siya namang dahilan para matuto siya kung paano na i-handle ang isang relationship.
Cool na cool si Arci sa kanyang Chinese bf na si Anton. Suportado nito ang kanyang showbiz career at hindi siya pipigilang mag-artista kahit dumating ang panahong mag-asawa na sila.
Samantala, mapangahas ang mga eksena nina Arci at JC sa Open, pati na sa iba pa nilang mga nakaeksena sa movie.
###
Sarado na ang puso ni Carmi Martin sa kahit na sino mang manliligaw.
Sabi ng veteran comedian, ang kanyang lovelife ay ang Diyos o si Jesus Christ at ang kanyang mga alagang aso. Kuntento na raw siya sa kanyang estado bilang single at tapos na siya sa stage na naghahanap ng boyfriend.
Pinagkakaabalahan na lang niya ang pag-aalaga sa sarili.
Sabi ni Carmi sa amin, araw-araw siyang nasa gym at nagmu-Muay Thai din siya.
Ang secret ng staying power niya sa showbiz, bukod sa professionalism, dedikasyon, ay ang pag-aalaga sa mukha at katawan.
Siyanga pala, gaganap siyang nanay nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables sa The Panti Sisters.
Kasama ito sa official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng FDCP o Film Development Council of the Philippines na chaired by Liza Diño-Seguerra.
225