(NI BETH JULIAN)
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nagsusulong na gawing permanente ang student discount sa mga estudyante sa mga public utilities.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11314 na nagkakaltas sa 20 percent na diskwento sa pamasahe sa mga estudyante.
Sa ilalim ng batas, saklaw nito ang mga tren, jeep, bus, taxi, tricycle, barko at eroplano at ang iba pang mga pampubliko sasakyan.
Exempted naman dito ang mga school services, shuttle at tourist vehicles at kahalintulad na serbisyo.
Dito ay kailangan lang ipakita ng mga estudyante ang mga valid IDs nila o enrollment form na may kasamang government ID o anumang government document.
Maaari naman dumulog at maghain ng reklamo ang mga estudyante na pagkakaitan ng nasabing pribilehiyo sa LTFRB.
267