BAKIT LAPITIN NG ISKANDALO ANG BARRETTO LADIES?

greta55

(NI RK VILLACORTA)

SABI  ng marami, dysfunctional daw ang pamilya Barretto. Saliwa raw sa kinalakihang tama at naaayon sa pamantayan ng lipunan ang mga nangyayari sa kanila.

Si Gretchen, nakipagrelasyon sa kinakasamang mayaman na negosyante na si Tonyboy Cojuangco kahit hindi pa ito hiwalay sa legal wife.

Pero all out and proud si Greta na ipinagsisigawan na siya ay “the other woman”.

While ang nakababatang kapatid na si Marjorie, ka-live in ng isang local politician from Caloocan City (sila pa rin ba?) na kung tama ang balitang kumakalat ay nagbunga ang pagsasama nila. Pwede raw idemanda ng misis ng politikong kinakasama nito si Marjorie (na ex ni Dennis Padilla).

Si Julia naman na anak ni Marjorie kay Dennis, sabit sa isyung “mang-aagaw ng boyfriend”. Until now ay pinagpipistahan ng madlang people ang giyera nila nina Bea Alonzo over Gerald Anderson. Ang akusasyon ng iba, kaya raw naghiwalay sina Julia at Joshua Garcia ay dahil nahuli diumano ng dating probinsyanong kasintahan “sa akto” sina Julia at Gerald (pero hindi naman tinukoy kung anong “akto” ito!) na hindi na lang pinalaki ni Joshua to protect her ex-girlfriend.

Sali-saliwa ang mga isyu na nagbunga na kinasasangkutan ng mga Barretto sisters na iskandalo, issues na dapat nilang sagutin at ihayag ang buong katotohanan.

Bakit ganun ang mga Barretto? Dahil marahil hindi sila naniniwala sa tamang values o baka naman hindi nila kinalakihan ang tamang values habang nagkakaedad sila?

Maging ang mga magulang nila, binabastos ni Gretchen na dedma ito sa kanya dahil iba ang mundo niya. Si Claudine na favorite ni Gretchen, may mga kalansay rin na nakatago na kung bubungkalin ay lalong mapapahamak ang imahe nito sa publiko.

Sa totoo lang, kapag iskandalo ng mga Barretto’s pagdating sa relasyon, pag-ibig, expected na isang malaking isyu ito na pinagpipistahan ng publiko. Kaya naman kahit wala silang projects, nananatili sila sa kamalayan ng mga Pinoy.

Isang hirit pa: May nakapagbulong sa amin na isa sa mga Barretto sisters ay nakapagpatayo ng isang magarang haybols sa mamahaling subdivision sa Forbes Park sa Makati. How true?

###

Double celebration ang magaganap na pagtitipon para sa Regal at sa Pamilya Monteverde sa pamumuno ni Mother Lily at ng anak niyang si Ms. Roselle Monteverde sa darating na Monday, August 19.

Last Tuesday evening, we got a personal invitation from Ms. Roselle na nag-iimbita sa celebrity premiere ng pelikulang Mina-Anud na bida sina Dennis Trillo at Jerald Napoles na naging closing film sa nakaraang Cinemalaya 2019 na gina­nap sa CCP last Saturday.

Bukod sa celebrity screening (for sure dadagsa ang mga bituin sa Promenade Theater sa Greenhills) ay kasabay naman ang birthday celebration ng Regal Matriarch na malamang ay ia-announce na rin ang pagsasapelikula ng buhay ni Mother Lily Monteverde na long overdue na.

 

184

Related posts

Leave a Comment