Nagpa-story conference na noong nakaraang Lunes ng gabi sa GMA 7 ang programa ni Sen. Bong Revilla Jr. na Agimat ng Agila.
Exciting ang kuwento na tingin ko hindi pang-weekly lang ‘yan dapat. Pero siguro pakiramdaman muna nila, at kapag maganda ang feedback at maganda ang rating, malamang na madagdagan ng araw ‘yan.
Puwede siguro every Saturday and Sunday ‘di ba?
Sa ngayon, sa Linggo lang daw ito mapapanood, na ang unang napabalita ay ito ang ipapalit sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko’.
Pero ang latest na nabalitaan ko nga, hindi na raw tustsugihin ang Daig… kasi maganda ang ratings at consistent talaga siyang mataas huh!
Kaya bibigyan ng ibang timeslot ang kay Sen. Bong.
Excited si Bong sa project niyang ito sa GMA 7.
Maganda ang kuwento at talagang kinakarir ni direk Rico Gutierrez para maganda ang kinalabasan.
Definitely, pambata ito na magustuhan ng buong pamilya.
Malapit na nga silang magsimula dahil binubuo pa nila ang buong cast.
Ang final na lang muna na makasama ni Bong ay sina Sanya Lopez, Roi Vinzon at Allen Dizon.
Kahapon lang tinawag na sa akin na kasama na rin daw ang alaga kong si Benjie Paras, at naghahanap pa sila ng ibang magagaling na artista para isama rito.
Paulit-ulit namang nagpapasalamat si Sen. Bong sa GMA 7 dahil sa mainit na pag-welcome sa kanya at binigyan siya ng programa pagkatapos niyang mabakante ng halos limang taon.
Naku! Maba-bash na naman ako rito na kapag tungkol kay Bong talagang katakut-takot na bashing ang inabot ko.
Mabuti pa nga si Pilita Corrales na noong nag-guest siya sa online show namin ni Cristy Fermin, talagang sinabi niyang tama ako at napagsabihan na raw niya ang apo niyang si Janine Gutierrez tungkol doon sa isyu namin noon.
Tapos na yun!
Palagpasin na natin ‘yun, at malay natin baka isa sa mga araw na ito, mag-guest pa si Janine sa Agimat ng Agila ni Bong ‘di ba?
Love love na lang tayo no! Wa na kanegahan!
172