‘GANDANG GABI VICE’ MATUTULOG NA

ronnieWHEREAS ang pariralang “ilang tulog na lang” ay inuugnay sa anumang bagay na kailangang ipagdiriwang o ipagbunti, kabaligtaran ito ng kapalarang sasapitin ng ‘Gandang Gabi Vice’ na ilang tulog na lang ay matutulog na ito at hindi na muling magigising.

Mas mapapaaga nga ang pagbabu ng Sunday night ni Vice Ganda kesa sa 20th day of March kung kailan mag-e-expire na ang franchise ng ABS-CBN, home to GGV.

Pero kung tutuusin, hindi na bago sa pandinig ang kanselasyon ng programa para sa main host nito.

Back in February 2012, nanganib din itong mamaalam to give way to Sarah Geronimo’s show. Originally, the network gave birth to it para tumakbo lang nang isang season o katumbas ng 13 weeks.

Noon pa man, Vice Ganda was open to the fact that it’s the way things go on TV. Aware siya na magkakaroon at magkakaroon ng sawa factor ang audience.

But cheer up, mapapanood pa rin naman si Vice Ganda albeit in a show na hindi na niya solo but involving everybody. Dagdagan ito ng salitang “sing,” and you have Everybody Sing as GGV’s replacement.

Totoong nagka-set back ang GGV with its rival program The Boobay and Tekla Show. There were Sundays when TBATS would rate higher, pero hindi consistently. A la tsamba, if we may say.

We have to admit though that between the two shows, mas paglalaanan namin ng oras ang kay Vice Ganda kahit may ilang sablay sa kanyang pagpapatawa. With TBATS, parang pinilit itong maging isang panoorin sa TV when it’s better appreciated in town fiestas.

ABS NI ALDEN RICHARDS IPINASILIP NA

ANG binitin-biting pagbuyangyang ni Alden RichardS ng kanyang abs, the ideal look he has achieved through workouts, ay pinasilip na niya sa wakas.

Inireserba pala niya ‘yon para sa kanyang canned tuna commercial.

Bigla tuloy namin naalala ang dating Kapuso actor na si Aljur Abrenica at the height of his TV career. Abs kung abs din ang kanyang bentahe na buong pagmamalaki rin niyang ipinakita via the same brand.

Ang kaibahan nga lang ng dalawang aktor who share common first syllables in their names, ‘di hamak namang milya-milya na ang narrating ni Alden.

Mapaglaro talaga ang tadhana.

Back then, itinanghal na Ultimate Hunk sa Startruck si Aljur, samantalang Alden didn’t make it to the top list.

Sikat lang si Aljur until before he got Kylie Padilla pregnant. Nanalasa for the longest time sa GMA until he jumped ship. At ngayo’y bahagi na lang ng kasaysayan ang dating canned tuna endorser whose acting hasn’t improved in years.

It seems remote na magiging ganito rin ang career direction ni Alden who knows how to play his cards well.

 

168

Related posts

Leave a Comment