Maraming mga bagay na umano ang natutunan ni Gerald Anderson mula sa mga naging karelasyon. Ayon sa aktor ay talagang magkaiba ang pananaw ng lalaki at babae pagdating sa pakikipagrelasyon. “Isa sa mga na-realize ko, I think iba talaga ang perspective o POV (point of view) ng isang babae at isang lalaki pagdating sa relationship. That’s why minsan kapag nag-away, correct me if I’m wrong, talagang minsan hindi magkakaintindihan dahil iba ‘yung emotions, iba ‘yung facts, pananaw. Hindi naman ako magmamalinis, until this day, siyempre there are nights na I think of what could I have done better, ano ‘yung dapat ko ginawa. Habang tumatagal doon ko na-realize na there’s always two versions talaga. At iba ang perspective ng bawat tao sa relationship. It takes two to tango. But I also accepted na a relationship doesn’t fail just because of one person. It really takes two kasi kayong dalawa ‘yung naroon,” makahulugang pahayag ni Gerald.
Matatandaang naging kasintahan ng aktor sila Kim Chou, Maja Salvador at Bea Alonzo. Noong isang taon ay naging kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Gerald at Bea dahil naugnay din ang binata kay Julia Barrretto noong panahong iyon.
Gabi-gabi nang napapanood ngayon ang ‘A Soldier’s Heart’ na pinagbibidahan ng aktor. Malaki ang pasasalamat ni Gerald sa mga kasamahan sa naturang serye lalo na kay Carlo Aquino na siyang madalas na nakausap tungkol sa kontrobersiyang pinagdaanan noong 2019. Kabilang din sa bagong proyekto sina Vin Abrenica, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Yves Flores at Nash Aguas. “Nag-open up ako sa taping namin pero hindi ko sinabi sa kanila na ako ‘yon. Noong time kasi na ‘yon parang nasa akin lahat. Lahat may makaka-relate kaya sa akin, iba ‘yung feeling. So no’ng nagkwento ako, ‘Yung kaibigan ko kasi ganito, ‘yung partner niya ganyan,’ Sabi nila, ‘Ay! Oo, bro.’ So parang gumaan agad ‘yung pakiramdam ko na, ‘Ah, okay, normal, hindi lang pala ako ang dumadaan sa ganito.’ Pero noong pinaka-peak ng lahat ng judgement at pinagdaanan, ako, masasabi ko na hindi ko ‘yon malalampasan. Kung hindi dahil sa A Soldier’s Heart, dahil sa grupo na ito. Makita ko lang sila, magba-basketball during break, or kakain kami sa labas, or kakain kami sa kampo, sobrang sarap na may ganito ako. I think Papa God gives you the challenges at the right time in your life. He gives the worst challenges to the strongest soldiers, isa ‘yon sa mga na-relaize ko,” pagbabahagi ng aktor.
With report from J.C.C.
187