HEART NAGSISISI SA INT’L MOVIE?

heart32

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

NATAWA si Heart Evangelista nang maitanong namin kung hinihikayat na ba niyang mag-take ng Thiocell ang mister niyang si Sorsogon Governor-elect Chiz Escudero.

Ang Thiocell ay isang brand ng glutathione na nasa lozenge form at siyang iniendorso ni Heart.  Ito raw ang nagpapa­dagdag ng glow sa aura at ganda ni Heart.

Anyway, sabi ni Heart hindi naman imposibleng i-take ni Chiz ang Thiocell lalo’t gusto nitong maging healthy at malayo sa sakit na cancer.

Ang Thiocell ang iniinom ni Heart habang nagsu-shooting siya sa China para sa international movie nito.

Kuwento ni Heart, wala siyang formal training sa martial arts at hindi siya binigyan ng double sa mga action scenes niya.

Sabi ni Heart, pinagsisihan niya noong una ang pagtanggap sa project dahil sa hirap ng ilang mga scenes niya. Umiiyak sa pagod at sakit ng katawan ang aktres. Buti na lang athletic rin raw siya kaya nakasabay siya sa mga eksena.

Pero worth naman ang pagod niya sa movie dahil maganda ito. Tatagal pa hanggang next year ang shoot ng pelikula.

129

Related posts

Leave a Comment