NAKAIINTRIGA na talaga kung gaano na ba kalalim ang hidwaan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Ipinost kasi sa social media kaya tuloy hindi maiwasang pag-usapan ng netizens at magbigay ng kani-kanilang opinyon.
Si Sharon ang unang nag-post. Nagbigay ng mensahe si KC, pero hindi pa natapos doon.
Lately ay kung ano-anong ipinu-post nila na ang dating sa ating nagbabasa sa social media, parang nagpapatutsadahan silang mag-ina.
Si KC nandoon sa tatay niya, kay Gabby Concepcion. Nag-post din si Gabby na kahit na anong mangyari, nandiyan lang daw siya para sumuporta sa kanya.
Nagbigay na rin ng pahayag si Sharon na iwan na silang mag-ina sa kanilang isyu dahil hindi naman alam ng lahat kung ano ang pinag-ugatan nito.
Tama rin naman ‘yung panawagan ni Sharon na hayaan na iyung problema nilang mag-ina. Tigilan na ‘yung mga speculation at hayaan na silang dalawa ang mag-ayos nito.
Pero, baka hindi lang nakita ni Sharon na involved na iyung outsiders dahil ipinost sa social media at nabibigyan ng kung ano-anong kulay ang mga hugot nito.
Siyempre, kanya-kanya na silang interpretasyon at opinyon base sa mga ipinu-post nila.
Kung hindi naman nila na-social media iyun, wala sanang makialam ‘di ba?
Tanggapin na kung ano ang consequences nito, dahil isinapubliko eh.
Mas mabuti siguro huwag nang isapubliko. Ayusin na nila nang tahimik na tingin ko naman maayos dahil mahal nila ang isa’t-isa. Mag-nanay sila, maaayos nila ‘yan!
364