JAMES REID FREELANCER NA LANG NGA BA SA VIVA?

james55

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

BULONG ng isang impormante, after mag-expire ng contract ni James Reid sa Viva last year, hindi na raw nag-renew ang hunky singer-actor. Kaya per project na lang daw ito ‘di gaya ng dyowa niyang si Nadine Lustre na ilang years pa raw ang kontrata sa Viva.

Dinig ko, 15 years daw ang pinirmahang exclusive contract ni Nadine sa Viva at nagsimula ito sa Diary Ng Panget noong 2014. So, bale 10 years pang nakatali sa kanyang mother outfit si Nadine unlike James na wala nga raw talagang commitment pa sa movies o recording.

Si James, per project basis na lang ngayon.

How true na isa sa dahilan kaya hindi nag-renew si James sa Viva ay dahil maliit daw ang talent fee niya sa nasabing movie company?

Well, ever since naman ay ganyan ang set-up kasi malaki rin ang ginagastos ng Viva at ibang movie outfits sa pagbi-build up ng kanilang mga artista.

Saka bawing-bawi naman si James sa nakukuhang endorsements sa kanya ni Boss Vic del Rosario, gayundin din ang nobyang si Nadine.

DENNIS, JERALD, MATTEO PAWANG MAHUHUSAY SA MINA-ANUD

Hindi nagkamali ang Cinemalaya na ang Mina-Anud ang pinili nilang maging closing film sa Cinemalaya Indepen­dent Film Festival 2019. Ibang klase kasi ang pagkakagawa ni Direk Kerwin Go ng pelikulang ito na tumatalakay sa drug addiction at realidad ng buhay.

‘Yung performance dito nina Dennis Trillo bilang si Ding at Jerald Napoles as Carlo, hanep sa husay. Parehong nabigyan ng dalawa ng justice ang kanilang characters na simple lang ang pamumuhay sa Borongan, Samar hanggang sa matukso sa malaking pera sa pagbebenta ng cocaine.

Applauded ang mga eksena ng dalawa at ang husay rin ng gumanap na misis ni Dennis na si Dionne Monsanto. Gayundin si Matteo Guidicelli na isang mala­king rebelasyon sa pelikula. Super hot at yummy si Matteo sa kanyang mga pasilip sa katawan bilang endorser ng corned beef at drug addict.

Maging ang mga guma­nap na kaibigan nina Dennis at Jerald, kabilang na si Mara Lopez, ay magagaling din.

Comedy naman ang hatid ni Lou Veloso na punong barangay lalo na nung sumayaw sila ng budots. Lahat ng nasa loob ng Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater) ay tawanan sa eksenang ito.

Punung-puno ang orchestra at balcony o VIP seats ng sinehan sa rami ng mga nanood. Ang iba ay hindi na nakapasok dahil wala nang mabiling ticket.

In all fairness ang Mina-Anud ay isa sa pelikula ng Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pinakamaganda, makabuluhan at de-kalidad na kanilang prinodyus. At masaya ang mag-ina at puro positive ang feedback sa pelikula nilang ito at all praises sa cast at director ang mga nanood ng special screening nito last August 10.

Simula Agosto 21 ay palabas na ang Mina-Anud sa maraming sinehan sa buong bansa.

 

 

237

Related posts

Leave a Comment