JESSY BUHAY REYNA ‘PAG SI LUIS ANG NAKATULUYAN

jessy12

(NI PETER LEDESMA)

MASINOP  at marunong sa buhay si Luis Manzano, kaya maliban sa fat savings account ng TV host-actor ay nakapag-invest siya sa taxi business na LBR – kasosyo ang dalawang kaibigan na may more than 200 units na ngayon.

May dialogue nga itong si Cong. Vilma Santos sa isang interview na mas mapera sa kanya ang panganay na si Luis. Malaki kasi ang TF ng TV host sa shows niya sa ABS-CBN, at sunud-sunod rin ang endorsements niya ng iba’t ibang produkto kaya’t fabulous talaga ang kanyang ipon. At ‘pag nagkataon, swerte ni Jessy Mendiola dahil kapag siya na ang pinakasalan ni Luis, aba’y buhay reyna siya sa nobyong gwapo na mayaman pa.

Pero teka, ano na ba ang nangyari sa career ni Jessy sa Kapamilya network? May gagawin na kaya siyang teleserye? Last 2015 pa ang huling teleserye ni Jessy na “You’re My Home” at bale support lang silang dalawa ni JC de Vera kina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Hmmm…

###

Friends with benefits daw ang female personality (FP) na kilala sa kanyang larangan at chickboy na film producer.

Noong panahong wala pa raw negosyo si FP ay madalas itong nakikipagkita kay produ at may nagaganap sa kanilang milagro. Ang nakakalokah, my patnugot na Ben, ay itong si FP daw ang nauunang nagpapakita ng motibo – at dahil palay na ang lumalapit, pana’y naman ang tuka nitong si producer na may edad na. Kahit nga raw sa eroplano ay nairaraos ng dalawa ang mag-sex.

Well, sa ngayon ay parehong happy ang dalawa at may kanya-kanya na silang karelasyon. At bongga na itong si female personality dahil pati sa abroad ay may negosyo, kaya belong na siya sa rich and famous list.

###

Mukhang si Jerome Ponce ang isa sa latest favorite actors nina Ma’am Roselle at Mother Lily Monteverde sa kanilang Regal Entertainment. Yes, bidang-bida si Jerome sa Finding You, kapartner si Jane Oineza, at malapit na itong ipalabas.

Trailer pa lang ng movie ay kapansin-pansin na ang husay dito ni Jerome sa character niyang may hyperthymesia. Ang hyperthymesia ay isang mental condition na malinaw na naaalala ng isang tao ang lahat ng kanyang mga karanasan sa buhay.

Maliban kay Jane ay ilang actresses pa ang magkakaroon ng ugnayan kay Jerome sa movie at isa na rito si Barbie Imperial – at ang ganda ng mga eksena ng dalawa ha!

Pagkatapos ng kanyang pagkabigo sa pag-ibig ay mahanap na kaya ni Jerome ang kanyang true love?

Watch niyo na lang ang Finding You, na showing na sa May 29 at kasama rin sa cast sina Claire Ruiz, Kate Alejandrino, atbp. Sa direksyon ito ni Easy Ferrer.

152

Related posts

Leave a Comment