NA-MISS KO SI KISSES

Ai Ai delas Alas-Kisses Delavin

lolitNaku hindi ako makaka-attend ng presscon ng D’Ninangs nila AiAi delas Alas at Kisses Delavin. Sayang, sana nagkita uli kami ni Kisses at mother niya para malaman ng fans na hindi kami magkaaway. Isang misunderstanding lang  iyong naganap, na ewan ko bakit binigyan ng malisya ng iba,  alaga ni Rams David si Kisses. Love ko si Rams kaya imposible na magkaroon kami ng gap ni Kisses. Hay naku, nakatutuwa naman na meron siyang pelikula na si Aiai pa ang kasama kaya sana maging successful ang D’Ninangs na sabi ni Mother Lily at Roselle Monteverde, isang pelikula na magugustuhan ng lahat. Watch natin sila Aiai at Kisses sa D’ Ninang.

oOo

MARTIN AT POPS BEST OF FRIENDS

POPS-MARTINTuwang-tuwa ako  na magkakaroon ng concert sila Martin Nievera at Pops Fernandez. Twogether at Solaire ang concert nila na talagang aabangan mo dahil special treat nila ito sa kanilang fans. Isang couple na talagang hahangaan mo sina Martin at Pops dahil kahit nagkahiwalay naging best of friends ang dalawa kaya kitang-kita mo iyon sense of security sa mga anak nila na kahit hiwalay ang parents nila nanatiling maayos ang pakikisama sa bawat isa. Iyon ang matatawag mong respeto talaga, wala iyon dirty laundry na ginawang public kaya up to now, paggalang ang mapi-feel mo sa dalawa. Nagagawa nila magtrabaho together dahil andun ang respeto nila at sabihin pang hindi mawawala na affection nila na nadarama. Twogether, forever, kahit sa concert man lang maipadama nila how they feel special to each other, Martin Nievera and Pops Fernandez, now pa lang encore na.

oOo

MISS KO KABATAAN NAMIN NG CLASSMATES KONG SINA NOVA VILLA AT TATAY NI IZA CALZADO

Siguro nga  dumami na talaga ang tao ngayon. Habang nanonood ako ng TV at ipinapakita iyong dami ng tao sa Quiapo, nagbalik-alaala ako nang nag-aaral pa ako sa Mapa High School sa San Rafael kung saan kaklase ko sila Nova Villa at Lito Calzado. Nun hinihintay namin lagi ang fiesta ng Nazareno dahil meron kaming classmate na taga-Quiapo at nakikikain kami sa bahay nila bisperas pa lang ng fiesta. Hindi ganun kadami ang tao na nakikita ko. Iyon harapan ng simbahan dun ang meeting place namin pag namamasyal kami sa Carriedo at Raon. Tuwing recess nagpupunta kami sa may simbahan para bumili ng mga pagkain sa mga nagtitinda . Mas malapit ang San Sebastian church pero mas gusto namin sa Quiapo magpunta. Kaya shocking sa akin na makita na halos naiba na ang harapan ng Quiapo church kung saan lagi na ay dun ang mga political rally sa Plaza Miranda. Parang mahirap ng puntahan ang Carriedo at Raon na dati rin istambayan ng mga moviewriter dahil andun sa Avenida ang maraming movie offices. Tutoo ngang ganun na pala karami ang tao sa Maynila. Sobra iyon mga tao na punong-puno ang buong paligid ng Quiapo Church. Tunay ngang dumami ang populasyon.

148

Related posts

Leave a Comment