BUKOD sa pagpu-produce ng concerts, kamakailan lang ay pinasok na rin ni Pops Fernandez under DSL Productions ang pagpu-produce ng pelikula in co-production with Cignal Entertainment, ang film arm ng Cignal TV.
Ito’y sa pamamagitan ng kanilang debut movie offering, ang comedy movie na Feelennial (Feeling Millennial) na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at ang comedian na si Bayani Agbayani mula sa direksyon ng GMA resident director na si Rechie del Carmen who is debuting as a movie director.
Tulad ng kanyang mga concert productions, very hands-on din si Pops bilang movie producer.
Ang Feelennial ay palabas na simula ngayon, June 19 (Wednesday).
Maraming firsts ang Feelennial. Bukod sa first team-up ito nina Ai-Ai at Bayani, first movie production din ito ng DSL Productions ni Pops and her first collaboration with Cignal Entertainment.
Directorial movie debut din ito ni Direk Rechie del Carmen at first time din ni Pops at dalawa niyang anak (kay Martin) na sina Robin at Ram na magkaroon ng special participation in the movie kung saan si Robin din ang musical scorer at kung saan din makikita ang special animation part sa movie na si Ram naman ang may gawa. Kaya maraming rason kung bakit dapat panoorin ang pelikula bukod pa sa sobra itong nakakatawa at very entertaining.
“I saw na the finished product myself at sobra akong natuwa sa kinalabasan ng pelikula,” pahayag ni Pops na inihahanda na ang susunod niyang movie project.
Although busy pa rin si Pops sa post-production ng pelikula, naisisingit pa rin niya ang paghahanda para sa upcoming concert tour nila ni Martin sa Amerika at Canada sa darating na August at September.
Samantala, nag-enjoy si Pops sa nagtapos na global talent competition sa Amerika, ang “The World’s Best” where she acted as one of the 50 international (The Wall of the World) judges na kung saan isa sa mga naging contestants ay ang TNT Boys ng Pilipinas na binubuo nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion na labis na nagpahanga hindi lamang sa host na si James Corden at judges na sina Drew Barrymore, RuPaul at Faith Hill kundi maging sa0 American audience pero hindi na sila nakapag-move up sa finals level.
“It was quite an experience,” pag-amin ni Pops.
315