RYZA CENON AYAW NA NG NON-SHOWBIZ BF

WALA pang bagong karelasyon ngayon si Ryza Cenon pagkatapos nilang maghiwalay ng aktor na si Cholo Barretto. May suitors naman daw siya pero puro non-showbiz na.

“Ayoko na po ng showbiz. Gusto ko nang maging secret yung love life ko,” natatawang simula ni Ryza sa aming tsikahan.

“Gusto ko nang magkaroon ng privacy para baka sakaling magkaroon na ako ng asawa kasi ako na lang ‘yung wala, eh, sa batch namin.

“Thirty-two na ako, kailangan ko nang magkaanak. My God, wala na ako sa kalendaryo at saka ready na ako. Gusto ko nang magka-anak. Kaya nga lang, wala pa si Mr. Right. Ha-ha-ha!” giit pa ng aktres.

Privacy ang dahilan kung bakit gusto niya ng non-showbiz na karelasyon?

Sagot ni Ryza, “Parang feeling ko kasi walang privacy. Tapos maraming nangingialam, so okey na rin ‘yung kayo na lang dalawa… Pero before naman non-showbiz na ako eversince, eh. Si Cholo lang ‘yung showbiz.”

Kumusta na ba sila ni Cholo? Naging magkaibigan ba sila after the break-up?

“To be honest, we’re not friends, pero okey kami but we’re not friends,” pag-amin ng aktres na bibida sa pelikulang ‘Sa Muli’ ng Viva Films katambal ni Xian Lim at sa ‘Kunwari Mahal Kita’ with Joseph Marco and Nathalie Hart.

“May ganun naman, eh. Ako naman ‘pag ex hindi naman kailangang friends pa kayo. Basta maayos ‘yung hiwalayan n’yo okey na yon,” she said.

Pero kahit daw wala na sila ni Cholo ay friends pa rin niya ang mga kaibigan ng aktor.

“Hindi naman sila damay do’n. Hindi ko naman sila nakarelasyon at hindi ko naman sila brineykan. So, hindi naman dapat damay. Nakakabatian ko pa rin sila, hindi ko nga lang sila nakakasama kasi hindi ako palalabas na tao.

“Pag nakikita ko sila nakikipagkuwentuhan naman ako. Nagha-hi naman ako sa kanila, so wala, hindi naman sila damay do’n, labas sila do’n. Kung may problema man or meron mang ano, sa amin lang dalawa yon ni Cholo,” pahayag pa niya.

RYZA, MAGKO-CONCENTRATE SA MOVIES

Samantala, very thankful si Ryza sa nakaraang 2019 dahil kahit unang beses pa lang niyang sumabak sa teleserye ng ABS-CBN ay nakatrabaho niya agad ang malalaking artista ng network tulad ni Angel Locsin, Albert Martinez, Arjo Atayde sa The General’s Daughter.

Laking pasasalamat din daw niya kay Angel sa mga naging advice nito sa kanya nung lumipat siya sa Dos.

Pagre-recall ni Ryza, “Nung unang lipat ko talagang lumapit ako sa kanya kung paano ‘yung tungkol sa mga basher na ganyan. Nag-advice naman siya sa akin na, ‘Hayaan mo na yang mga sinasabi nila, wala ka namang tinatapakan, kaya okey lang yan.’ Talagang lumapit ako sa kanya, tapos ginuide naman niya ako. Ang laking pasasalamat ko na nando’n siya.

“And in fairness din naman sa mga artista ng ABS, nung lumipat ako, sobrang welcome ako. Lahat sila, ‘Hi Ryza,’ pati staff, in fairness, hindi ko naman na-feel na left out ako or something,” lahad pa niya.

Wala pang bagong teleserye si Ryza sa ABS-CBN kaya makakapag-concentrate muna siya sa mga pelikulang gagawin niya sa Viva.

 

157

Related posts

Leave a Comment