(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY MJ ROMERO)
MGA LARO NGAYON:
12:00 P.M. – San Sebastian vs. Letran
2:00 P.M. – EAC vs. Perpetual
4:00 P.M. Lyceum vs. San Beda
MULING magkakasubukan ang defending champion San Beda at Lyceum of the Philippines bilang rematch ng nagdaang dalawang Finals meeting sa alas-4:00 ng hapon ngayon sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.
Bagamat nakatuon sa Red Lions-Pirates game ang atensyon ng lahat, may dalawa pang laro na interesanteng panoorin.
Reresbak ang Letran mula sa pagkatalo sa kamay ng karibal na San Beda, sa pakikipagtipan sa San Sebastian, na lalarong wala ang suspendidong si coach Egay Macaraya sa alas-12:00 ng tanghali.
Habanga ng University of Perpetual Help System Dalta, na hindi rin sisiputin muna ni coach Frankie Lim, ay haharapin naman ang hamon ng Emilio Aguinaldo College Generals sa alas-2:00 ng hapon.
Poprotektahan ni coach Boyet Fernandez ang 6-0 record ng Red Lions. Pero, batid niyang hindi magiging magaan ang kanilang laban kontra Pirates.
“I have high respect for coach Topex (Robinson) and their players like the Marcelino twins (Jaycee and Jayvee). They have (Reymar) Caduyac. Those are the guys we’re gonna prepare hard for the game on Tuesday. It will be a tough one for us again, but hopefully we can continue to bring that defensive mentality today and be consistent about that on Tuesday,” lahad ni Fernandez.
Ang LPU ay nakaupo sa second place, 6-1.
Mula nang matalo ang Pirates sa Generals sa pagsisimula ng season, ay nagtala na ito ng sunud-sunod na panalo.
Susubukan naman ng tropa ni Robinson na dungisan ang karta ng San Beda, pero aminado siyang mabigat na pagsubok ang kanilang susuungin.
“It’s a big test for us playing the mighty San Beda. But we are always up to the challenge. I mean, we will just focus on our team. I know they are coming off their best start as usual. But again, we don’t have control on how they will prepare for us. But we have control on how we can prepare. How we gonna play,” wika ni Robinson.
Si Evan Nelle ang mangunguna sa opensa ng Lions, katuwang sina James Canlas, Calvin Oftana at AC Soberano
Masasaksihan din ang matchup sa pagitan nina Cameroonian centers Donald Tankoua ng San Beda at Mike Nzuesseu ng LPU.
145