SEN. PACMAN CONCERT? MALAKING GOOD LUCK!

pacman22

ronnie(NI RONNIE CARRASCO III)

IS Senator Manny Pacquiao pushing his luck too far?

Kulang pa yata ang mga preoccupations ni Manny which keep him busy kung kaya’t magkakaroon naman siya ng kanyang first ever major concert on September 1.

Ilang beses nang naiulat na numero unong absentee ang boxer-turned-politician sa Senado, now he has every justifiable reason for yet another series of absences bilang paghahanda sa kanyang much-awaited (?) concert.

We can’t help but recall his guesting on “Startalk” many years ago. Halos kababalik lang niya noon sa bansa from his victorious fight.

Bukod siyempre sa karaniwang feel-good interview for bringing another honor to the country, to spice it up ay may bonus na gimik ang live guesting na ‘yon: ang pakantahin siya. Ang kantang “Sometimes When We Touch” ang piyesang napili niya.

Pacman took center stage (platform ‘yon sa set ng studio). Pumasok ang intro ng kanta. Sa bandang refrain ay du’n na sumablay ang pasable na sana niyang rendition.

“Sometimes when we ‘tats’ (sic), the honesty’s too ‘mats’ (sic),” banat ng Pambansang Kamao sa refrain.

Go ask any professional singer. Mahalaga ang tamang bigkas ng lyrics. Hindi lang basta nasa tono, o sa timbre ng boses. Diction is just as important.

But of course, Pacman is no pro. It just so happens he’s musically inclined.

Concert on September 1? Isang malaking good luck!

   ###

This latest offering is a movie of many firsts.

First time pumalaot sa pagpoprodyus ng pelikula ang lady investor nito. First directorial job ito sa widescreen ng megman. First time ding nagkasama sa trabaho ang director at ang isa sa mga bida dito. Least significantly, baptism of fire din ito sa aming kaibigan na common friend ng director at ng bida.

Ang siste, nakatanggap ng call slip ang aming friend para sa scheduled shoot na sinipot naman niya.

Maluwalhati naman niyang naitawid ang kinunang eksena, na masusundan pa ng dalawang shooting days.

After our friend wrapped up his first shooting day, he was told, “Kapatid, for the love lang ‘to, ha?”

Ibig sabihin, walang bayad. Pumayag naman ang aming friend.

Ito na ba — sa isip-isip namin — ang umiiral na sistema? Hindi ba’t kahit indie film ay may katapat kahit kakarampot na TF, how much more sa isang mainstream movie tulad nito?

Balitang ang co-investor ng lady producer ay isang bigating pulitiko. Bigatin, tapos, ‘for the love’ lang? Kalurks, no?

 

126

Related posts

Leave a Comment