YAM: ‘MAY NANGYARING NAPAKASAKIT SA BUHAY KO!’

YAM CONCEPCION

Ipalalabas na sa mga sinehan simula January 22 ang pelikulang ‘Night Shift’ na pinagbibidahan ni Yam Concepcion. Masayang-masaya ang aktres dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapagbida sa naturang horror film na ginawa ni Yam Laranas. “Ngayon ko lang nalaman na ako ‘yung first and only choice, so wow! Thank you so much because I’ve always been a fan of Direk Yam’s work. Of course he is known for his beautiful cinematography, ‘yung story telling niya, ang galing talaga. May mga friends ako na super fan ng movie niyang ‘Sigaw’ and actually I was still taping ‘Halik’ at that time when Direk Yam messaged me asking me if I was open to do a film with him. Tapos ito ‘yung selling point ni Direk Yam, sabi niya, ‘It’s a contained cerebral horror happening in one night and in one place, a morgue,” nakangiting kwento ni Yam.

Mas nakilala ang sexy actress dahil sa teleseryeng Halik. Ayon kay Yam ay ibang-iba ang kanyang karakter sa bagong pelikula kumpara sa kanyang mga nagawa na noon lalo na’t ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ng horror movie ang dalaga. “Sobrang ibang-iba siya eh. When I found out na gagawa ako ng horror film kay Direk Yam, sabi ko sa kanya, ‘Direk, paano kaya, I’ve never done a horror film before, so paano ito? Sabi niya sa akin, ‘Don’t treat it as a horror film, treat it as any other movie or project,’ na nagawa ko na before. So ‘yon, I treated it as that. A new project, a new character,” paglalahad niya.

Habang ginagawa ni Yam ang bagong pelikula ay nagkataon naman na namatay ang kanyang tiyuhin. Dahil sa pangyayaring ito at mayroong mga bagay na natutunan ang aktres sa buhay. “May nangyaring napakasakit sa buhay ko. My uncle passed away, masakit sa puso ko no’ng time na ‘yon. And during that time, do’n ko na-realize na ‘yung fear ko is not really death per se but not being able to communicate your love to people that you care about tapos bigla na lang siyang nawala, ‘yon ‘yung fear ko. And of course, we all know that of course, the fear of death is universal concept, lahat tayo (papunta roon),” pagbabahagi ng aktres.

With reports from J.C.C.    (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

164

Related posts

Leave a Comment